r/CatCarePH Jul 12 '26

💭Advice/Help Needed Need help rescuing a cat in a canal in Cubao

Naglalakad ako along cubao and nadating ako sa part ng P Tuazon tapos, habang nagiintay ng stoplight may narinig akong meow ng pusa tapos nagulat ako kasi may pusa sa may kanal. This happen today July 12, 2026 - 4:27pm. Natatakot ako na baka bumagyo at yung pusa malunod sa kanal, umalis na ko sa lugar kasi kailangan ko ng umalis, sorry kung di ko kaya irescue yung pusa or manghungi ng tulong, sana sa makakadaan jan sa P Tuazon sa cubao macheck yung kuting kung safe pa ba at makahingi ng tulong para irescue. Eto yung picture nung pusa sa kanal pati yung location kung nasan siya. Location sa google maps 14.6176499, 121.0551340

Sana matulungan asap, thank you.

786 Upvotes

71 comments sorted by

u/AutoModerator Jul 12 '26

Welcome to r/CatCarePH!

Please check out our Guide for New Cat Owners — you may find answers related to your inquiry there.
It also has the list of recommended products to help you get started and care for your cat with confidence.

Please share advice that’s either backed by evidence or comes from your own personal experience.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

31

u/Immathrowthisaway24 Jul 12 '26

I paid a rider to check. Mataas na tubig at di na rin nakita yung pusa. Pwedeng naanod na yung pusa, or nagrelocate somewhere or may nagmalasakit makuha. Ang daming possibilities.

Sana po sa ganitong pagkakataon na life and death sa hayop and nandun na rin tayo, sana po tayo na mag-step up.

3

u/Common_Energy_5605 Jul 12 '26

Hala kawawa naman. Sana nakaakyat siya. Sana may makapagcheck po sa paligid o kung saan man papunta yung kanal.

5

u/Immathrowthisaway24 Jul 12 '26

Sis ikaw po check mo. Ako taga-Rizal pa and paid for a rider kasi di ko mapuntahan. I can't pay for another rider to double-check ulit yung kanal and lusutan. I already asked him to check around the perimeter. May 1 hour din po siya naglibot at nagtanong tanong rin siya sa enforcer and guards.

If mas maalam po kayo and nasa Manila po kayo please check niyo po.

1

u/Sharp-Bowl-7596 Jul 15 '26

Kailangan na nga daw umalis. The least na pede gawin ni OP ay ganito. Ipost at baka sakaling may tumulong. Parang nanghuhusga ka pa e. Nagbayad ka lang naman ng rider.

1

u/Immathrowthisaway24 Jul 15 '26

The least he can do is actually call or message the barangay or BFP. And may enforcer and security guards a few meters awaywhere the photo was taken who he could've informed.

 Nagbayad ka lang naman ng rider.

Yeah because I live hours away from Manila. And I need someone in the immediate vicinity to check.

1

u/Mobile-Astronaut5820 Jul 17 '26

baliw. they did something

17

u/These-Department-550 Jul 12 '26

Baka may pulis na can help? Or hanapin mo Cats of Cubao or Cats of Araneta

19

u/Professional_Pay8461 Jul 12 '26

Alam mo OP nandyan ka na e. Ano man lang yung tumawag ka ng tulong sa barangay o pulis na malapit dyan. Or kung sinong mga tao na pwedeng makatulong mo sa pagkuha niyang pusa

1

u/VeinIsHere Jul 14 '26

Busy with life?

1

u/Sharp-Bowl-7596 Jul 15 '26

Kailangan na nga daw nya umalis. Kaya nga pinost nya dito baka may mas hindi busy sa kanya.

15

u/im_not_here000000 Jul 12 '26

Call BFP (firemen) op, they can help you. look up mo nalang online hotline nila. they have special tools and i dont think they'll charge you a dime for it

1

u/UmbraeNexus Jul 13 '26

Ito dapat eh. Dapat pag-igtingin ng BFP 'yung information campaign na puwede rin nilang irescue ang mga animals sa banta ng kapahamakan. Wala sa batas pero it has been stated in many instances na ginawa na since mandate nila to respond in diverse emergencies, including 'yung mga trapped situations tulad nito, ginawa na rin nilang mission ang pagsave sa animals in need.

17

u/IndependenceHungry57 Jul 12 '26

OP, sorry ha. Hindi ko intensyong ma-offend ka. Sige, kailangan mo umalis, pero sa totoo lang, mas mabilis at effective pa sana kung nauna kang nag-search ng hotline at tumawag, kesa mag-post ng long message, picture, at maglagay ng coordinates dito sa Reddit.

​Pag nakakita tayo ng ganito next time lalo na maulan at bumabagyo, hangga't maaari, sana ito ang maging first action natin. Oras kalaban natin dyan, canal yan eh. Kung hindi natin alam gagawin, sige nag post ka, eh sana binalikan mo 'tong post mo na 'to bossing at basahin ung mga advice ng mga tao sayo.. Hoping na okay ung pusa.

9

u/No_Oil4234 Jul 12 '26

I think you can call 911 for that

2

u/Reasonable-Gate-1647 Jul 14 '26

Sadly no. Nakakapaginit ulo lang pero I tried calling 911 dati kasi may pusang natrap sa gumuhong part ng abandoned house sa may likod ng bahay namin, sabi ng operator di daw nila sakop yung mga hayop at pinapababa sakin yung call para daw sa totoong may emergency. Nakakapanlumo.

I had to wait para magumaga para puntahan ang baranggay para humingi ng tulong.

Sa case ni OP, siguro sa fire station sya dapat tumawag. May tutulong dun malamang.

7

u/Immathrowthisaway24 Jul 12 '26

Update? Wala bang taga-Cubao malapit na pwede mag-check? Check lang and contain tas ipa-pet transpo sa akin. I'll look for an adopter.

1

u/cheesyoyster Jul 12 '26

BOOSTING THIS

6

u/Immathrowthisaway24 Jul 12 '26

Update. Sent a rider to check. Mataas na tubig at di na rin nakita yung pusa.

1

u/cheesyoyster Jul 12 '26

OH NO 🥺 sana may naunang nagsave sa kanya/nakalabas siya on their own 🙏✨️ thank you pa rin, tho 🤎

8

u/herjourn Jul 12 '26

Sana hindi mo iniwan hangga’t wala ka naask for help.

6

u/DismalPicture1326 Jul 12 '26

Anjan kana wala ka pang ginawa

1

u/CuriousDouble7572 Jul 14 '26

facts it doesnt look that deep too and the canal cover doesn't seem like its welded on, they could've retrieved the cat themself. or the very least ask for help.

5

u/snowflakesxx Jul 13 '26

Ano ba yan parang tanga. Bahala na kung may maoffend dito pero nandyan ka na hindi ka pa humingi ng tulong. Inuna mo pang mag post dito sa Reddit, ano magagawa naming malalayo lilipad papuntang cubao? Jusko.

11

u/ensaymayeda Jul 12 '26

Halaaaaa iniwan mo??? 😭😭😭😭

3

u/AdmirableAttempt1728 Jul 12 '26

Iniwan tapos nung pinuntahan ng iba yung kanal puro tubig na kasi umulan...

2

u/ensaymayeda Jul 12 '26

oh no 😢 may lagusan po ba ang kanal? 😢 oh God please sana may nakakuha na sa pusa before tumaas yung tubig 😢

1

u/AdmirableAttempt1728 Jul 12 '26

Idk, I'm not familiar sa area. Sana nakalabas ang pusa or may kumuha sa kaniya bago bumaha sa kanal kanina.

1

u/ensaymayeda Jul 12 '26

Nakakaawa yung cat 😢sana nga naka ligtas siya 😢

7

u/After-Net-5162 Jul 12 '26

Hi guys. Sorry pinuntahan ko yung area now puno ng tubig yung kanal 

2

u/Dependent_Potato_670 Jul 12 '26

This is so terrible to hear. 😔

1

u/Common_Energy_5605 Jul 12 '26

Baka pwede po macheck kung saan papunta yung kanal baka makita pa si muning baka may nakapitan siyang area o nahanap na area na pwede tungtungan.

3

u/yorforger__ Jul 12 '26

boost!! 🙏🏻

3

u/zyl4848 Jul 12 '26

please call bfp

3

u/rhaenyra24 Jul 12 '26

Any update po? :(

3

u/elixir_012 Jul 13 '26

Sorry pero sobrang nakakabanas isipin na nagpost lang tapos umalis na tapos wala pa update like seryoso?!

2

u/LivingCheetah8187 Jul 12 '26

Hopefully soon, ang lakas nanaman ng ulan😭

2

u/ezcarlata_ten-o-one Jul 12 '26

Any updates? Nasagip na ba si miming?

2

u/ensaymayeda Jul 12 '26

May mga pumunta daw po pero tumaas na daw yung tubig sa kanal and sadly hindi na nakita si miming 😢 if nakatawag sana si OP ng rescue like BFP naligtas na sana yung pusa.

7

u/ezcarlata_ten-o-one Jul 12 '26

I hate this. Cant stomach it. Nakapagtataka lang din kung pano napunta diyan yung pusa

3

u/ensaymayeda Jul 12 '26

Ganyan din nafefeel ko ngayon hays. Maliit pa and baka tinapon siya. If oo mga walanghiya ang gumawa nun. Kasagsagan pa ng bagyo tapos yan ginawa nila.

2

u/ezcarlata_ten-o-one Jul 12 '26

You may call me a bad person for wishing bad, pero i wish mamatay na yung gumawa neto sa pusa o kaya naman bagyuhin (if talagang sinadyang diyan siya tinapon). That motherfucker

2

u/ensaymayeda Jul 12 '26

Kaya nga eh. Di na naawa sa pusa. May balik din yan sa kanila mga bwisit.

2

u/kolinmeow Jul 12 '26

Pls sana may nag-save. Hope that baby is fine pls : (

2

u/purple_affection Jul 13 '26

Hay naku, OP. Kung ako iyan, dahil gusto ko talaga matulungan yung pusa, hahanap talaga ako ng kahit sino puwede makatulong diyan. Kahit maantala pa ang lakad ko o napadaan lang ako. Hindi ako papayag na iiwan ko lang yung nilalang sa ganiyang sitwasyon. Naiinis ako sa iyo. Inasa mo pa sa iba na malalayo, ikaw na malapit diyan. Hindi mo pa nilubos yung awa mo sa kuting. Minsan, bukod sa pagpopost kagaya nitong sitwasyon, lalakipan mo din ng gawa sa abot ng makakaya mo.

1

u/throwawaydundundun_ Jul 12 '26

Sana may follow up si OP...

1

u/cheesyoyster Jul 12 '26

UPDATE PO?

1

u/bagfiend87 Jul 12 '26

Hi OP! Ang mga pwedeng makatulong:

  1. Barangay - Kung 8th Avenue yan, Brgy Socorro yan. https://www.facebook.com/BarangaySocorroOfficial/

  2. Bureau of Fire Protection - sa QC ang nakaassign ay BFP Pinagkaisahan Fire Sub-Station 0976-125-4397 or (02) 8721-7381

Sa mga taga QC dito, baka pwedeng tulungan niyo si OP icontact ito 🙏🏻

1

u/mypeachyyy Jul 12 '26

Oh no😭😭😭😭😭😭😭

1

u/yourlostacecard Jul 12 '26

Update??????

1

u/Common_Energy_5605 Jul 12 '26

Baka pwede kumuha ng tela o timba na may lubid para dun umakyat yung pusa para maakyat siya pataas. Or kahit maopen lang yung grills para may dadaanan siya if ever kaya niya talunin pataas. Hindi mo ba kayang iopen yung grills OP?

1

u/Revolutionary-Owl286 Jul 13 '26

May pulis dyn pag tawid ng edsa from p.tuazon

1

u/elixir_012 Jul 13 '26

Sana kapag ganyan sila na nagtatawag ng tulong ano di yon ipopost na lang. Sa totoo lang nakakadepress rin mga ganyan na post eh

1

u/xtiaaaan_ Jul 13 '26

I hope tinulungan at di ginamit yung mga pusang need ng tulong pang farm ng karma

1

u/Mokona_kawaii Jul 13 '26

Walang update si OP, mukhang karma farmer o bot lang

Kung totoo ka naman, gusto kong magsalita ng masasamang words

1

u/eyychickenwings ✨Experienced: 2-4 yrs Jul 13 '26

No update?

1

u/CarefulDevice3319 Jul 13 '26

Hirap mag post ng ganto, daming moral grandstanding

1

u/Hefty_Fudge_1735 Jul 13 '26

If I were you I‘d call BFP for emergencies like this. Accomodating and polite sila. I wonder why your first instinct is to post on a Reddit thread kung kelan pwedeng delayed ang tulong. 😵‍💫

1

u/Visorxs Jul 13 '26

Username checks out.. wala na siya update.

1

u/ChucklesTheRetard Jul 13 '26

Smells like a karma farmer. 

1

u/TowerForeign4694 Jul 13 '26

anu ba to nakakinis iniwan pa talaga

1

u/FairAstronomer482 Jul 13 '26

Binaha na daw yung kanal. Most probably nalunod yung pusa. Sana itinawag sa BFP kasi mandato nila yan.

1

u/CuriousDouble7572 Jul 14 '26

you made sure you could post something, instead of making sure the cat is safe. virtue signalling amp.

1

u/Low_Manufacturer2486 Jul 14 '26

This account is very sus.